Hymn

Commission on Audit na COA ang turing
Natatanging tanggapang may maselang tungkulin
Ang COA ang tanod sa salaping bayan
Katulong at gabay sa pag-unlad ng ating lipunan

Kaya tayong taga-COA
Sana’y maging tunay na lingkod bayan
At hindi dapat masindak
Kahit sa tukso’t bantang ating hinaharap

Ang COA ay bisig ng pamahalaan
Kabang baya’y sinisikap mapagbungang tunay
Ang COA ay ating taga-bantay yaman

Katulong at gabay sa pag-unlad ng ating lipunan (2x)